Thursday, July 21, 2011

Unang Aralin: Ano ang Wicca

Maari nating ipagpalagay na ang WiCCA ay makabagong relihiyon na patuloy na lumalago sa ating makabagong panahon.

Ito ay hindi Kulto ng mga Mangkukulam na naghahasik ng lagim at kasamaan na nagpapasakit sa buhay ng mga tao.

Hindi rin ito isang relihiyon na sumasamba sa tinatawag ng karamihan na Dyablo.

Para sa akin ano ba ang WICCA?

Ang Wicca ay isang sinaunang relihiyon na muling sumibol sa makabagong panahon.

Ito ay relihiyon ng mga PANTAS at mga MAGO na sumasamba sa Dakilang Lumikha.

Para sa akin bilang isang WICCA, ang relihiyon ay isang personal na karanasan na kung saan ang isang indibidwal na tulad mo at tulad ko ay magkaroon ng kaugnayan sa Dakilang Lumikha.

 Ginagamit ko ang salitang Dakilang Lumikha upang maging pantukoy sa katawagang Dios.

Sapagkat sa mga katutubong WICCA, and Dios ay katawagan ng mga Kristyano, Hudyo at Muslim sa Dakilang Lumikha.  Samantala ang mga Tradisyunal at katutubong relihiyon naman ay tumatawag sa mga ANITO at DIWATA. (God and Goddess).

Ang kaugnayang ito ay isang personal na karanasan na kung saan ang isang indibidual ay nakikilala at nauunawaan ang KAMALAYAN ng DAKILANG LUMIKHA.

Para sa isang WICCA, ang DAKILANG LUMIKHA ay may maraming Kapahayagan (Manifestation).

Ang DAkilang Kapangyarihan o Lumikha ay nagpahayag sa anyong Lalaki at sa anyong Babae.

Kaya sa bawat anyo ng kanyang kapahayagan, tinawag siya ng mga Tao sa iba't-ibang panagalan.

Kaya sa iba't ibang panig ng mundo, ang Dakilang Kapangyarihang Lumikha ay tinatawag rin sa iba't-ibang panagalan.

Ang DAKILANG LUMIKHA ay nagpahayag rin sa iyo MAy ANNe.

Ang kailangan mong gawin sa ngayon ay Kilalanin sa iyong Buhay ang Kanyang Kapahayagan.

Sa Paanong Paraan mo sya makikilala?

Ang paraan ng pagkilala ay isang kasanayan na kung saan ang bawat indibidwal na WICCA ay dalubhasa sa pag awa nito.

Ito ay sa pamamagitan ng Grounding (Meditation) o Pagbubulay.

sa Susunod... ay tatalakayin nating ang basic skills of Grounding and Meditation.

Pagpalain Nawa!

Rolando G. Comon AM, MH-SOLA
a.k.a. Rev. Aron Aghama/ Aghamang Bughaw

Tuesday, July 5, 2011

Patnubayan Nawa!

Sa Panimula ng aking sulat ay aking sinasamo ang pamamatnubay ng mga Ninuno. Ng mga Diwata, Anito, Bathala at Bathaluman. Sinasamo ko rin ang Sandiwa ng buong katutubong Pananampalataya, Pagano, Mumbaki, Katalonan, at Babaylan- bilang isang Malayang Mananampalataya sa balat ng kalupaan.

Sinasamo ko rin ang Kadiwaan ng buong Komunidad ng mga Pagano sa makabagong panahon, maging ang mga bagong sibol na itinadhana na tumatahak sa landas bilang mga Anak na Pinagpala!

Aweh Oh Ahwoh!!!!

Patnubayan Nawa ako sa pagsulat nito...

Marahil marami ang magiging salungat sa kaisipang ito na aking ibabahagi sa samahang ito.

Ngunit sa aking pakiwari ay napapanahon upang tugunan ang pangangailangan ng bawat Pagano sa ating Bansa.

Bilang Nagkakaisang Pagano sa Pilipinas, ay nararapat nating hubugin ang daan na ating tinatahak. Para sa mga Usbong at Bagong Sibol na tumatahak sa Landas ng Pagpapala, ay kabahagi kayo sa paghubog ng ating Tadhana.

Iba't-iba ang ating paniniwala, pananampalataya, tradisyong nakagisnan.

Mula sa pasimula ng ating kasalukuyang buhay tayo ay nabihag ng pananampalatayang hindi taal sa ating pinagmulan.

Tayo ay nasakop at lubsang nagpasakop maging sa panahong ito ay nalambungan ng kaguluhan ang ating pagkakakilanlan sa ating Pananampalataya ng ating mga Ninuno.

Ang ating kinamulatan sa panahong ito, ay ang banyagang Paniniwala.  At maging sa kasalukuyan tayo ay bihag ng dayuhang relihiyon sa ating bansa.

Nakakalungkot isipin na ilan sa atin na nasa gitna ng Komunidad na ito, na ang tingin sa Relihiyon ay isang Laro lamang o anyong aliwan na kinagigiliwan.

Na ang ilan sa atin ay kinakasangkapan ang relihiyon upang makamit ang makasariling hangarin.

Na ang ilan ay walang muwang sa kahalagahan ng relihiyon sa ating Buhay.

Mula sa mga naunang paksa na akin ng inihayag, na ang Relihiyon ay taling nagUugnay sa isang indibidwal sa kanyang lumikha.

Tulad sya ng isang Ina na tangan ang sanggol sa loob ng sinapupunan, na ang taling ito ang syang nagsisilbing daluyan ng Buhay para sa di pa naiapanganak na sanggol.

Tulad rin ng isang kawad na syang daluyan ng enerhiya na syang naguugnay sa kasangkapang electrical sa pinagmulan ng electricidad.

Ang Bawat nilalang ay di magkakatulad.  Ito ang katangian na kakaiba sa lahat.  Ang indibidwalidad ng isang nilalang.

Sa panahong ngayon, inuugnay natin ang ating sarili sa iba't-ibang katawagan o bansag o titulo sa ating Pangalan o maging sa ating Buhay.

Tayo ay mga Pilipino. Sila ay mga Hapon, Amerikano, Pranses, Europeano, Intsik, Hindu, Griego, Hudyo at kung ano-ano pa.

Ngunit sa gitna ng pagkakaiba ng mga iyan ay meron din naman tayong pagkakatulad.

LAHAT AY NABUBUHAY. AT ANG LAHAT DIN NAMAN AY MAMAMATAY.

Ang Ilan sa atin ay nauna na pumanaw sa mundong ibabaw at humantong na sa kabilang buhay kung saan kapiling nila ang mga ninuno kasama ng mga Anito, Diwata, Batahla at Bathaluman. (salamat kay Marlon Toledo Lacsamana at Tony Perez naway pahintulutan nyo po ako sa pagkakataong ito gamitin ang salitag BAthaluman. Sa iyo rin Maestro Jay. Salamat).

Ito ang ating pagkakatulad sa lahat ng mga nilalang sa balat ng Lupa.

Ang mga halaman, hayop, insecto at lahat ng nilalalang ay nabubuhay. At ganun din sila ay namamatay.Ganyan din ang Tao... Nabuhay at mamamatay.

Gaano man kagaling at talino ng tao upang tumuklas ng mga bagay-bagay sa mundo ito ay walang kabuluhan kung di rin naman ito mapapakinabangan sa habang buhay.

Ano ba ang halaga ng ating buhay?

Ano ba ang kaugnayan nito sa ating Relihiyon?

May kaugnayan ba ang relihiyon sa ating Buhay?

Anong Relihiyon ang iyong sinasabuhay?

Maraming nagsasabi sa samahang ito na tayo ay Pagano.

Kung ganon, ano ba ang pagiging Pagano?

Ang Ilan sila ay Wiccan?

Ano ba ang Wiccan?

Iba't ibang katawagan, ngunit iisa ang pinagmulan...

At dahil dito ang relihiyong ating tinatahak ay nararapat magkaroon ng kaayusan.

Marami sa atin nagsasabi, WAG TAYO TUMULAD SA MGA KRISTIANO, MUSLIM AT HUDYO!

Bakit? Sila ang Dominanteng Relihiyon ng sanlibutang ito.  Oo. Ako ay sumasangayon sa kaisipang iyan na huwag tayong tumulad.

Bakit ang mga Relihiyong nabanggit ay naging dominante? Dahil sila ay organisado. Oo, sa relihiyong Kristiano ay marami ring pagkakabaha-bahagi.

Ngunit sa atin bilang mga Pagano, iba-iba man ang paniniwala ay meron tayong pinagkakaisahan?

At ano ang Pinagkakaisahan natin Bilang mga Paganong Pilipino?

Ang mamunla ng pagkakamali ng iba?

Ang magpagalingan na ako ay si ganun... si ganito...

Ang kapangyarihan koy ito... at iyan...

at marami pang iba?

Kung ikaw ay natuto sa isang exclusibong samahan, ay di mo na papansinin ang mga bagong sibol at usbong sa pananampalatayang ito?

Bilang mga Pagano, ang karunungan sa ating relihiyon ay salat.

At hindi sa lahat ng pagkakataon ay maipararating natin ang karunungan ng walang bayad.

Marami sa atin lalo na ang mga bagong usbong at sibol ang nagiging talipandas sa kanilang paguunawa sa Relihiyong Pagano.  Ito ay sa kadahilanan ng ilan sa mga kinikilalang Guro ay nagiging palalo sa kanilang karunungan.

At ang ilan sa atin ay nananatiling nakatago sa lungga na ati ng kanlungan.

Ngunit marami pa rin sa panahong ito ang namamatay at PINAPATAY DAHIL SA MALING IMAHE NA ATING NAIPAPARATING SA MUNDONG ITO!

BILANG ISANG PAGANO, IKAW AY NAGSASAGAWA NG KULAM.

AT PIHADO SA SAMAHANG ITO AY IBA-IBA NAG PANANAW SA KULAM.

Sa aking pagbabalik tanaw, dekada na ang lumipas.

Naalala ko ang isang kapatid na nagtanong kung ano ang pangalang panghalili sa salitang KULAM AT MANGKUKULAM.

Aking naibulalas, AGHAMA.

Ngunit ang katawagang ito ay pawang akin lamang.

Sa aking pananaw, na ang Kulam ay Nagmula sa salitang Ugat na ALAM. At ang MANGKUKULAM sa salitang MAALAM.

Witch=Wit (to know)

Science (Agham)= Knowledge (sciere) Sorcerrer

Wizzard=wise

At bilang kasanayan ng isang mangkukulam sila ay bumibigkas ng mga baybay (SPells).

Sa aking pagkaunawa lamang. Kaya maaring ang mga babaylan (BAbae) ay bumibigkas ng mga baybay sa pangGagamot.

Ang Makabagong Kilusan sa Pananampalataya

Mula sa pagkabata ay namulat ako sa Relihiyong Kristianismo lalo na sa simbahang Katoliko. Ipinadama sa akin ng aking mga magulang at kaanak ang kahalagahan ng relihiyon sa aking buhay.

Una kong naging guro sa relihiyon ay ang aking mga magulang, tito at tita, maging aking mga lolo at lola.  Ang pamilyang aking kinagisnan ay lubos ang pananalig sa kanilang relihiyon mula noon hangang sa ngayon.

Ako ay binyagan sa simbahang Katoliko na syang nakagisnang Relihiyon ng maraming Pilipino. Sumailalim sa mga sacramento ng simbayahan tulad ng kumpil at komunyon.

Murang edad, aking kinagiliwan ang pagsisimba at pagdarasal. Pagkagising ng umaga, bago at matapos kumain, maging bago matulog.  Sa pamamagitan ng pagdarasal, bilang isang katoliko ay maipaparating mo sa Dios ang iyong kaisipan.

Ngunit sa pagdarasal ko sa mga panahon ng aking kabataan, wala akong muwang sa tunay na kahalagahan nito sa aking buhay.  Basta binibigkas ko lang ang isinaulong dasal at yun... tapos! Nagawa ko ang isang mahalagang bagay sa buhay ko sa loob ng isang araw na hindi ko nauunawaan ang kahalagahan nito.

Sa aking paglaki, ay nakisalamuha ako sa aking mga ka eskwela sa paaralan. Natuto ako sa mga aralin ng buhay na kakailanganin ko sa aking pagtanda.

Taong 1991, 1st year high school ako noon,  nang akoy dalawin ng isang kaeskwelang babae sa aking bahay.

Nakapostura sya ng isang mayuming kasuotan, may ngiti sa kanyang mukha, at may tangan na itim na aklat.

Sa kanyang unang pananalita ay sabi nya na may nais syang ibahagi sa akin. Tinignan ko sya at natutok lalo ang aking pansin sa aklat na kanyang hawak-hawak.

Sabi ko, sige, interesado ako sa kanyang ibabahagi.

At kaniya akong inaralan ng mga salita ng Dios.  Samakatuwid, ang Itim na Aklat na kanyang Hawak ay ang Biblia.

Sa ga panahong iyon, ang aking pananaw sa relihiyon ay nagbago.  Naging malawak at kapanapanabik para sa akin ang matuto sa mga nakasulat sa itim na aklat na kung tawagin ay Biblia.

Sumama ako sa kaniya at nag-aral ng husto sa mga kasulatan naka saad sa Biblia.

Doon ko nakilala ang Dios sa mga pagkakataong iyon. Ang Dios ng mga Kristiano at si Jesus Christ bilang Panginoon at Tagapagligtas ng buong sanlibutan.

Mula ng ako ay sumama sa bagong relihiyon na Bible Baptist Church kung tawagin, ay lalo umigting ang aking pagnanasa na mauto pang lubos patungkol sa Relihiyon at sa Dios.

Sumama ako sa mga pag-aaral ng kasulatan, Formal Class ng Theology at ganun din sa mga araling eschatology o ang pag-aaral sa mga wakas ng panahon.

Naging malalim ang aking pagnanais na matuto kung saan umabot sa sukdulan na napupuna ko na ang bawat kilos ng mundo ay may kaugnayan sa buhay ng tao.

Hindi naging sapat para sa aking kaisipan ang mga Doctrina ng Bible Baptist Church, kung kayat nagsaliksik ako sa mga aralin ng mga Messianic Jews.

Sa piling ng mga Messianic Jews, at nakita ko ang kahalagahan ng Tradition.  Ito ay salungat sa katuruang una kong tinangkilik.  Dahil sa mga Messianic Jews, ang pagdurugtong ng mga Gentil kay Kristo ang syang mahalaga upang ikaw ay kilalanin din bilang isang Judio (Mula sa angkan ni Judah, anak ni Jacob, na anak ni Isaac, na anak ni Abraham- na kaibigan at anak ng Dios).

Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay di pa rin naging sapat ang karunungan na aking natamo. Bukod sa pagdiriwang ng Sabbath ay meron pang kulang. At wari ko ay nalilimitahan ng tradisyon ang tao mula sa pagkakilala sa Dios.

Dahil dito ay nagsimula muli lumipad ang aking diwa upang saliksikin ang katugunan sa aking isipan.

Ang Kahalagahan ng Pananampalataya sa pamamagitan ng Relihiyon sa buhay ng tao.

Sa aking pagbubulay-bulay, inisip ko ano ang silbi ng Relihiyon sa Buhay ng tao?

Ang relihiyon ay kinapapalooban ng mga aral sa pinagmulan ng buhay at ng buong sandaigdigan.

Sa katuruang Kristyano, ang Tao ay nawalay sa Dakilang Maykapal na kung tawagin at Dios.

Ang Dios na syang may likha ng lahat sa buong kalawakan. Na nagbigay buhay sa lahat ng nilalang.

Sa aking pagtanto, ang relihiyon ay tulad ng isang tali na magbubugkos sa isang nilalang pabalik sa kaniyang lumikha- tulad ng isang ina na nagtatangan ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.

At ang taling umuugnay sa ina at sanggol ang syang nagbibigay buhay sa isang nilalang.

Sa pagsasalarawang aking nasumpungan, naisip ko na ang Dios ba ay isang Ina?

Ang aral ng simbahan na ang Dios ay isang Ama ay nagdulot sa akin ng labis na pagkabahala upang ako'y muling magsaliksik.

Ayon sa kasulatan, ang Tao ay nilikha ayon sa wangis at anyo ng Dios.

Kung ang Dios ay iisa, at ang Dios ay isang Lalaki- paano nalikha ng Dios ang mga lahi ng Babae?

Sa anong wangis o larawan inanyuan ang mga babae?